Yung may namiss ka, tapos okay na kayo ngayon.

siopaulea:

What I mean is, you have this one friend that you missed a lot because your friendship faded, unfortunately. But now, there, nakikipagkulitan ulit siya ngayon. Wala nga naman kasing maidudulot ng mabuti ang galit at tampo. (proven)

Sana naisip din to ni A. Hahaha. Chos.

Wag na wag mong sasabihin sa isang social networking site na “Bakit ba? E opinyon ko to.”

Oo, dapat respetuhin ng lahat ang pagkakaiba-iba ng opinyon ng bawat tao. Pero kung ayaw mong pinapakealaman ko, maghanap ka ng isang pirasong papel at doon mo ilagay ang gusto mong sabihin.

Kaya nga “social-networking site”. Pampublic to. Nakikita namin ang post mo kaya malamang! May masasabi at masasabi kaming mga nakakakita. Hindi mo kami pwedeng pigilan sa kung anong gusto naming i-react. 

Although ang Tumblr ay hindi naman social-networking site, kung hindi naman nakaprivate ang account mo, still, nababasa namin ang posts mo. Kaya wag mong sasabihing, “Ano bang paki mo?” Kung ayaw mong pakialaman ka, basahin mo yung intro.

Nakakairita lang kasi kapag nakakakita ako sa Twitter at Tumblr ng “I can post/tweet what I want and chuchuchuchu…” Of course you can post anything you want to post, as long as hindi ito nakakaapekto ng iba. Kapag may naapektuhan na, wag kang magtataka na pinapakaelaman ka, dahil basahin mo yung intro.

Kung minsan kasi, guys, we should also keep some of our thoughts to ourselves. Only.. to ourselves.

Random fact at random kwento

Outspoken ako. Tactless na nga kung minsan. Basta, hindi ako yung tipo ng taong basta na lang tatahimik, lalo na kung alam kong may iba nang nadadamay o naaapektuhan.

Meron kaming teacher. Lalaki. Terror. Pero infernes! Tall, dark, and handsome sya. Teacher namin sya sa Physics ngayon. Jusko bakit sa isa pa sa mga subjects na ayaw ko. Actually, hindi sya terror. Masyado lang kaming intimidated sa kanya. Although ngayon, hindi na masyado. 

First day, pinatayo nya kami isa isa sa harap at pinarecite lahat ng natutunan namin sa Physics 1. Halos kalahati ng pinatayo, NGANGA. Kung isa nga ako dun, malamang napaihi na ako sa salawal. Tahimik ang buong klase kapag sya na ang teacher. Kapag nagpagawa sya ng activity na bongga sa hirap at may kasama pang drawing, bibigyan nya kayo ng kalahati ng enough time na kakailanganin nyo. At wala samin ang kayang pumalag.

Ngayon, anong konek nung intro? Wala.

Charot. Syempre meron. 

Isang araw nun pagpasok nya, tinanong nya kami. “Meron ba kayong problema sa klase ko? Nahihirapan ba kayo? Ngayon na ang tamang oras para sabihin ang mga yan.”

Edi syempre, nganga kami diba. Walang tumitinag. Hanggang sa tinitigan ko sya sa mata. At tinitigan na nga rin nya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. At unti unting naglalapit… Itataas ko pa lang yung kamay ko nung bigla nyang sinabi..

“Yes?”

Tumayo ako. With hesitation pa nga. Pero hindi ako nagdalawang isip magsalita.

“Sir. Kasi po, uhm, shutanginamelsngsubjectnyosirshetgustokongmamataynalangpagnakikitakita.”

Pero syempre hindi yun yung sinabi ko. Ang sabi ko..

“Sir, kasi po, uhm, feeling po namin hindi po enough yung binibigay nyong time samin kapag may ibibigay po kayo na isang activity na masyadong time-consuming. Nata-time-pressured po kami.”

Yung feeling na puro time.

“Natatakot ba kayo sakin?”

Binulong ko sa sarili ko, in such way na gusto ko ring iparinig sa kanya..

“Intimidated, sir.”

Tapos ayun. Inulit nya yung lesson nya nung nakaraang araw, in great detail. At naintindihan namin sya sa wakas. Binigyan nya rin kami ng 15 minutes (na dating 7 minutes lang) sa paggawa ng activity.

Ngayon, hindi na kami masyadong natatakot kay sir. I swear, simula nung araw na yun. Tapos kundi ko pa ata pinaringgan yung mga kaklase ko, hindi pa sila magpapasalamat sakin. Ansakit lang. Jujuju.

Mas felt na felt ko mag-blog nang wala masyadong nakakabasa. Ewan. Pero kahit walang notes, keribells. Kelan ko lang narealize. Shet.

The way na may gusto yung ultimate crush mo sa almost-bestfriend mo,

MASAKIT.

"Hindi ka na lang sana nag-sorry kung gagawin mo lang ulit yung minsang kasalanan mo."

Thelma.

I find this very heartbreaking. </3

Ewan ko, pero unang tingin ko palang sa picture, hindi ako natawa. Nalungkot ako. Para dun sa lalaking, sabihin na nating may pagkukulang sa pag-iisip.

Naisip ko lang kasi, siguro kaya sya naging ganon kasi madalas syang naghahanap ng atensyon sa iba, at hindi nya to nakukuha. Wala na syang makausap kaya bumigay yung katinuan nya. And then, ayun. Nakahanap sya ng istatwa. Sya na lang yung kausap nya. Yung istatwang yun na lang ang napagbuhusan nya ng loob.

Shet. Ang drama ko. Nagawan ko na pala sya ng istorya. Pwede na sa MMK!

Pag MU kayo, may kiss agad? PBB Teens?!

(isipin nyo na lang “AY?!” yung sinasabi ni Vice dito.)

1 VS 100

Ako yung tipong laging taliwas sa kung ano ang mainstream. Mas feel ko yung ako lang nagtatanggol sa isang side against a hundred people, kesa yung sasama ako sa maraming tao dahil mas malakas ang pundasyon pero hindi yung side nila ang pinaniniwalaan ko.

Hindi rin ako sunod sa uso. Ayoko ng may kagaya. Para saan pang susunod ka sa uso kung hindi naman bagay sayo? Basta gusto ko, ako lang. No Other Woman. Charot.

Lady Gaga: Satanic?

Ano na naman ba tong mga nababasa ko sa mga social-networking sites? Hanggang ngayon, buhay pa din yung issue na to.

Andaming nagsasabi puro daw kademonyohan ang hatid ni Lady Gaga. Miyembro ng kulto. Nagsasagawa ng mga orasyon o ritwal. Anong satanic satanic kayo dyan? Porke ba ganun sya kumilos, ganun sya manamit, ganun yung aura ng music videos nya, ganun ang mga kanta.. Anti-Christ na agad? Guys, mind you. She is Lady Gaga. A singer, an entertainer. Doon nga sya nakilala e. Sa pagiging bizarre ng look nya. 

Nakadepende yan kung paano mo iniinterpret ang mga bagay na to. “It represents blahblah” “It shows blahblah” Hindi bat indication yan ng interpretation? Nasa sarili mong konklusyon yan at sarili mong paniniwala. Ako, sobrang naniniwala ako sa Diyos at hindi naman ako alagad ni Taning or whatever. Pero hindi ko lang talaga maintindihan sa tao, e yung ganyan nilang paniniwala.

Wag po eksaherada. Lady Gaga is just being unique. Hindi involve ang religion dito.